ACT I
SCENE 1
(Lights slowly fading in)
(Music in, feel good background music)
May makikitang batang lalaki sa gitna, si Lowell.
Habang naka-upo sa sahig, bising bisi ito sa hawak
na lapis na masusi niyang ipinangguguhit sa
kanyang notbuk.
Bura dito, bura doon.
LOWELL
Mm.. Ayaw ko nito..
Maraming pagkakataon na ibinabasura ni Lowell ang
kanyang mga drowing. Ngunit patuloy pa rin siya sa
pagguhit.
Sasabayan ng kanyang progreso sa pagguhit ng
larawan ang musikang naririnig.
Pagkatapos ng ilang sandali, tutunog ang orasan na
makikita sa dakong gitna ng entablado. 3:00 na.
(Enter stage Loren, ang ama ni Lowell.)
Kasual na papasok sa eksena si Loren, nakapambahay
at tsinelas, at may hawak na bowl na punong puno
ng popcorn.
Ilalapag niya ang popcorn sa lamesa kung saan
gumuguhit si Lowell. At agad agad niyang binuksan
ang telebisyon sabay upo sa sofa.
Titigil sa pagguhit si Lowell. Tititigan ang
popcorn.
Mula sa kanyang likuran, iaabot ni Loren ang
kanyang braso para dumakot ng popcorn.
Mapapatingin si Lowell sa kanyang ama saglit, at
ibabalik muli ang pansin sa popcorn.
Unti-unting niyang itataas ang kanyang munting
braso para dumakot ng popcorn. Sa kanyang maliit
na kamay kakaunti lang ang makukuha niya, kaya't
inilabas pa niya ang kabilang braso. Gamit ang
kanyang dalawang kamay, may ilan ilan siyang
nakuhang popcorn.. At hindi siya tumigil para
idiretso ito sa kanyang biibig.
Nakangiti si Lowell. Kahit pa seryosong nanonood
ng telebisyon ang kanyang ama, masaya siyang
dumadakot at kumkakain ng popcorn. Madalas
sumusulyap sa kanyang likod para matanaw ang
kanyang ama..
Masayang masaya si Lowell, dahil ang kanyang ama..
ang kanyang idolo ay nariyan sa tabi niya at
kapiling niya.
Magiiwan ng masayang ngiti si Lowell sa mga
manonood.
(Lights slowly fading out)
(Music over, and slowly fade out to
another track)
SCENE 2
(Lights slowly fading in)
Makikita muli si Lowell sa gitna ng entablado,
gumuguhit.
Titingin si Lowell sa bintana, dahil sa araw na
iyon makulimlim ang langit. Tititigan niya ito ng
matagal. At babalik muli sa kanyang pagguhit.
Ilang sandali pa, tutunog ang orasan. 3:00 na.
Papasok sa eksena si Loren. Nakapambahay at may
hawak na bowl na punong puno ng popcorn.
Agad agad niyang nilapag ang popcorn sa lamesa
kung saan gumughit si Lowell at naupo sa sofa.
Bubuksan ang telebisyon at manonood.
Mapupunta uli ang atensyon ni Lowell sa popcorn.
Mula sa kanyang likuran, iaabot ni Loren ang
kanyang braso para dumakot ng popcorn. Sisilipin
ni Lowell ang kanyang ama. Pag balik lingon sa
popcorn, may ngiti nang nabubuo sa kanyang mukha.
Itataas niya ang kanyang dalawang kamay para
dumakot ng popcorn. Pagkakuha, agad niya itong
pinasok sa kanyang bibig. Habang ngumunguya,
nakaharap siya sa mga manonood.. abot tainga ang
ngiti.
(Lights slowly fading out)
(Music over, and slowly fade out to
another track)
SCENE 3
(Lights slowly fading in)
Makikita muli si Lowell sa gitna ng entablado,
gumuguhit.
Maririnig sa labas ang malakas na pagihip ng
hangin.
Hindi maiwasan ni Lowell ang lumingon sa dahil
maya't maya ang pagtuktok ng mga sangay ng puno sa
bintana. Sadyang malakas ang ihip ng hangin sa
araw na ito.
Makakaramdam ng lamig si Lowell. At habang
hinihimas niya ang kanyang katawan, tutunog ang
orasan. 3:00 na.
Papasok sa eksena si Loren. Nakapambahay at may
hawak na bowl na punong puno ng popcorn.
Bago pa man niya ilapag ang popcorn sa lamesa,
mapapatingin din siya sa bintana. Pero ibabaling
ang atensyon sa pagupo sa sofa at pagbukas ng
telebisyon.
Mapupunta uli ang atensyon ni Lowell sa popcorn na
muling inilapag ng ama niya sa harap niya.
Mula sa kanyang likuran, iaabot ni Loren ang
kanyang braso para dumakot ng popcorn. Sisilipin
ni Lowell ang kanyang ama. Mapapansin ito ng
kanyang ama.
LOREN
Nilalamig ka?
Hindi sasagot si Lowell, pero dahan dahan niyang
tinutungo ang kanyang ulo.
Titingnan siya ni Loren.
Tok-tok-tok. Maririnig nanaman ang sangay ng
punong tumutuktok sa bintana. Mapapatingin ang
dalawa.
Tatayo si Loren sa kanyang kinauupuan. Lalapitan
ang bintana ang bubuksan ito. Dadakmain ang mga
sangay at itatabi itong papalayo sa bintana.
Matapos ay isinara na ni Loren ang bintana at
bumalik sa pagnood niya ng telebisyon.
Buong sandaling inaayos ni Loren ang mga sangay ng
puno at pati ang pagbalik nito sa sofa, sinusundan
siya ng tingin ni Lowell.
Ngunit ibabaling ni Lowell ang tingin sa popcorn
na nasa harap niya. Mula agad sa kanyang likuran,
iaabot ni Loren ang kanyang braso para dumakot ng
popcorn. Saglit na sisilipin ni Lowell ang kanyang
ama, at titingin agad sa popcorn.
Itataas niya ang kanyang dalawang kamay para
dumakot ng popcorn. Pagkakuha, agad niya itong
pinasok sa kanyang bibig. Habang ngumunguya,
sisilipin niya uli ang bintana. Malakas pa rin ang
hangin ngunit hindi kailan man umulit sa pagtuktok
sa bintana ang mga sangay ng puno. Haharap siya sa
mga manonood.. ngumunguya at abot tainga ang
ngiti.
(Lights slowly fading out)
(Music over, and slowly fade out to
another track)
SCENE 4
(Lights slowly fading in)
Makikita muli si Lowell sa gitna ng entablado,
gumuguhit. Nakasuot pang lamig, dahil umuulan sa
araw na iyon
Habang bumubuhos ang ulan, patuloy pa rin si
Lowell sa kanyang pagguhit. Bumibilis ang pagmarka
niya ng mga guhit. Biglang titigil. Pagmamasdan
niya ang larawan na kanyang ginuhit. Aabutin muli
ang kanyang mga krayola at dahan dahan niya ito
guguhitan uli. Matapos ang ilang sandali..
Matagumpay niya itong ibinandera sa kanyang
sarili.
Babaling ang tingin niya sa orasan. Hinihintay
niya ang pagsapit nito ng alas-tres. 5, 4, 3, 2..
Tutunog ang orasan. 3:00 na.
Agad niyang ibinaling ang tingin niya sa pinto. At
mula roon papasok sa silid si Loren. Nakapambahay
at may hawak na bowl na punong puno ng popcorn.
Agad agad niyang nilapag ang popcorn sa lamesa
kung saan gumughit si Lowell at naupo sa sofa.
Bubuksan ang telebisyon at manonood.
Titingnan ni Lowell ang popcorn. Nakangiti.
Inaabangan niya ang braso ng kanyang ama na
magmumula sa kanyang likuran. Mistulang kinikilig
ito ng malaman niyang tama ang kanyang timing sa
pagdakot ng ama sa popcorn. Sisilipin ni Lowell
ang kanyang ama. Pag balik lingon sa popcorn, abot
tainga ang ngiting makikita sa kanyang mukha.
Itataas niya ang kanyang dalawang kamay para
dumakot ng popcorn. Pagkakuha, agad niya itong
pinasok sa kanyang bibig..
(Lights slowly fading out)
(Music over, and slowly fade out)
SCENE 5
(Lights slowly fading in)
(Music in)
(Enter stage Lowell)
Ang mga nakalipas na mga araw ay makulimlim,
malakas ang hangin o kung hindi naman ay umuulan..
pero sa araw na ito. Mataas ang sikat ng araw.
Papasok sa eksena si Lowell. Hawak hawak niya ang
larawang iginuhit niya matapos ang ang ilang araw.
Uupo ito sa gitna ng sofa, sa gitna ng entablado.
Masayang pinagmamasdan ang kanya obra.
Ilang segundo nalang ay tutunog na ang orasan.. 3,
2, 1. Kriiing! 3:00 na.
Binaling niya ang tingin sa pintuan. Napatayo si
Lowell sa sofa gawa ng matinding pananabik.
Nagdaan ang mahabang sandali. Naupo nalang si
Lowell sa sofa, at naghintay pa.
Hindi na siya makapagtiis kaya't tumayo siya at
sinadyang hanapin sa bahay ang kanyang ama.
(Exit stage Lowell)
LOWELL (VOICE OVER)
Dad.. Dad.. Daaad!
(Enter stage Lowell)
Bigo itong bumalik sa silid.
Maririnig ang tunog ng makina sa labas.
Dudungaw sa bintana si Lowell. Laking gulat niya
nang makita niyang papasok ng kotse ang kanyang
ama dala ang isang malaking maleta.
LOWELL
Daaaaaaaaad!
Sa sandaling hiniyaw ni Lowell ang salitang iyon.
Biglang napatingin si Loren sa bintana. Sa
panandaliang pagkakataon, nagkatinginan ang
mag-ama.
Naalarma si Lowell sa nakikinita niya. Alam niya
sa kanyang loob ang ibig sabihin sa sandaling
nakita niya ang mga maleta ng kanyang ama.
Bilis bilis niyang binuksan ang bintana, ngunit
nakapihit ito. Hirap na hirap siyang buksan,
kaya't nagmadali siya sa harap na pintuan ng
kanilang bahay. Nagbabasakaling mahabol niya at
mahagkan ang kanyang ama.
LOWELL
Dad huwag mo akong iwan!
Ngunit.. huli na ang lahat nang maabot ni Lowell
ang hawakan ng pintuan. Nagsimula ng umandar ang
kotse, at unti unti itong bumibilis sa paglipas ng
panahon.
Walang nagawa si Lowell.
Ang sayang naramdaman niya nang magsimula ang
kanyang araw ay nawala.
Nagsisigaw si Lowell. Nagpupumadyak. Hinahampas
nito ang pintuan.
LOWELL
Daddy ko! Daddy ko.. Gusto ko sa Daddy ko!
Hindi maawat ang patuloy na pagiyak at hinagpis ni
Lowell.
(Lights slowly fading out)
Kasabay ng pagdilim ng entablado ang unti unti
ring pag-echo ng iyak ni Lowell.
SCENE 6
(Lights slowly fading in)
Makikita muli si Lowell sa gitna ng entablado,
naka-upo sa sofa.
Tahimik itong umiiyak. Nasa isang direction lang
ang tingin.
(Enter stage kasambahay)
Papasok ang kasambahay at maglilinis ng silid.
Pagwalis. Pagpunas. Lahat ng kanyang kilos, lahat
naka-fastforward.
Babalik sa normal niyang kilos ang kasambahay nang
maihain niya ng tanghalian si Lowell.
KASAMBAHAY
O Lowell, kain ka na ha..
Walang imik si Lowell.
Pipiliting subuan ng kasambahay si Lowell. Ngunit
hindi niya mapilit na kumain ang bata.
Babalik mula sa fast forward o mabilisang pagkilos
ang kasambahay habang inililigpit ang kinainan ni
Lowell, hanggang sa matapos niya ang lahat ng
gawaing pambahay.
(Exit stage kasambahay)
Kasabay ng pag-alis ng kasambahay nina Lowell ay
ang pagdating naman ng kanyang mga kalaro.
(Enter stage mga kalaro)
Gayun din, fast forward din silang papasok sa
eksena. Maghahabul-habulan.
Matapos ang ilang sandali. Babalik sa normal na
bilis ang kanilang pagkilos.
KALARO 1
Lowell, tara tach taya tayo!
KALARO 2
Oo nga! Halika na.
Ngunit hindi sila papansinin ni Lowell.
Babalik ang mga kalaro niya sa pag
hahabul-habulan. Fast forward muli ang kilos.
Babalik sa normal na bilis ng pagkilos.
KALARO 3
Eh Lowell, bakit ka ba malungkot?
Mapapatingin sa kanya si Lowell.
KALARO 4
Ikwento mo nalang sa amin Lowell, tapos magtagu-taguan
tayo!
KALARO 2
Tara laro tayo ng tagu-taguan!
Magsisimulang maglaro ng tagu-taguan ang mga bata.
Naka-fast forward ang pagkilos. Pero hindi pa rin
sasali si Lowell. Naroon pa rin siya sa sofa.
Nakaupo, malungkot.
Matapos ang ilang sandali, babalik muli sa normal
na bilis ng pagkilos ang mga bata. Lalapitan nila
si Lowell. Ang iba'y humahangos pa.
KALARO 4
Lowell halika na! Diba magaling ka sa larong ito?
KALARO 1
Hmp! Halika na nga! Hindi naman nagsasalita yan e!
KALARO 3
Bili tayo ng kendi Mang Susing!
Sabay sabay na aalis ang mga bata, nakafast
forward.
Magkakaroon ng katahimikan.
Unti unting kikilos si Lowell, papunta sa bintana.
Dudungaw siya dito. Ang kaninang matinag na araw
ay ngayon nang lumulubog.
Pupunasan niya ang kanyang mga mata, aalisin ang
ano mang bakas ng luha.
Babalik na dapat siya sa sarili niyang silid pero
nabaling ang kanyang tingin sa isang sulok.
May maleta sa sulok.
LOWELL
Dad?
Wika agad ni Lowell.
LOWELL
Dad?
Hahanapin na ni Lowell sa buong bahay ang kanyang
ama..
MARISSA
Lowell?
(Enter stage Marissa, ang ina ni Lowell)
LOWELL
Mom? Mom!!
Nang magkatagpo ang mag-ina. Nagyakapan sila ng
matagal. Iyak ng iyak si Lowell. At napaluha na
rin si Marissa nang makapiling niya ang kanyang
anak.
MARISSA
Punta na tayo kay Daddy ha?
Tatango si Lowell, mas lalakas ang iyak. Hahagkan
uli siya ni Marissa.
MARISSA
Sorry anak, sorry..
(Lights slowly fading out)
SCENE 7
(Maririnig ang tunog ng eroplano)
AIRPORT ANNOUNCER
Passengers welcome, you have arrived in..
Itutuloy ang anunsyo.
(Lights fade in)
(Enter stage Lowell at Marissa)
Maglalakad ang dalawa, tulak tulak ang kanilang
mga maleta. Si Lowell, mahigpit na mahigpit ang
kapit sa kanyang ina.
MARISSA
Lowell, sandali lang.. Bitawan mo muna si Mommy.
Aayusin ko lang ang mga passport natin.
LOWELL
No..
Walang magagawa si Marissa. Patuloy sila sa
paglalakad.
SCENE 8
MARISSA
O Lowell, heto na ang bago mong room.. Sige anak, pasok
ka diyan. Magluluto lang ako ng merienda ha.
Pagpasok ni Lowell sa kanyang bagong silid,
mamamangha siya sa kanyang makikita.
Bagong mga sapatos, bagong damit, bagong laruan..
Lahat bago.
Tuwang tuwa si Lowell, lalo pa't nakita niya ang
banderang may nakasulat na "Welcome Home Lowell!"
LOWELL
Nasaan si Daddy?
Tutunog ang orasan, 3:00 na.
SCENE 9
Natutulog si Lowell sa kanyang kama.
Pagpasok ni Loren sa silid ni Lowell, pagmamasdan
niya ang kanyang anak.
Tatabihan niya sa kama, at hihimas himasin ang
buhok.
Makukuha ng kanyang pansin ang isang larawan
nakadikit sa ding ding.
Larawan ito ng isang medalya. Binasa ni Loren ang
naka-ukit sa gitna ng medalya.. "Worlds Greytist
My Daddy Loren!!"
Ito ang larawang iginuhit ni Lowell ilang araw
bago niya ito iwanan.
Nakaramdam ng kunsensya si Loren.
LOREN
Son.. I'm sorry.
Aalis na dapat siya, ngunit nakaramdam siya ng
haplos mula kay Lowell.
LOWELL
Dad?
Wika ni Lowell, habang nakapikit ang mga mata.
Nasisilawan sa pagbukas ng ilaw.
LOWELL
Dad?
Wika uli ni Lowell.
Bagamat may kirot sa dibdib ni Loren, ipinilit
niyang sumagot sa anak.
LOREN
Yes Son?
LOWELL
I love you Dad.
THEDES2: Deconstruction story for stage set design.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento